Hazard pay sa mga manggagawa sa gobyerno sa gitna ng enhanced community quarantine, aprubado na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Administrarive Order 26 na nagbibigay ng hazard pay sa mga manggagawa sa gobyerno na pumapasok sa trabaho sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19.

Sa ilalim ng AO, makatatanggap ng dagdag na P500 hazard pay kada araw ang mga manggagawa na pumapasok sa trabaho.

Saklaw ng AO ang mga regular status employees, casual at contractual ganundin ang mga COS o Contract of Service personnel.

Kasama rin sa COVID hazard pay ang mga empleyado ng pamahalaan na nagtatrabaho sa judicial at legislative branch.

Nasa sanggunian naman ang pagpapasya kung bibigyan ng hazard pay ang mga manggagawa na nasa local government units.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang AO 26, araw ng Lunes (March 23).



Read more...