Pahayag ito ng Inter-agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases sa gitna ng ulat na pinababayaran ng ilang local government official ang quarantine pass sa ilang lugar sa Luzon kung saan ipinatutupad ang enhanced community quarantine dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.
Ayon kay IATF spokesman at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, walang bayad ang quarantine pass.
Ayon kay Nograles, hindi dapat na abusuhin ng LGUs ang kalamidad na nararanasan ng bansa.
“Huwag pong magbigay ng passes for a fee, or any payment whatsoever in any form or kind. Hindi po ‘yan for a fee, walang bayad po ‘yang mga passes na ‘yan. Huwag po nating abusuhin ‘yan at huwag po tayong magtake advantage sa calamity na ito,” pahayag ni Nograles.
Nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Luzon hangang sa April 12 dahil sa COVID-19.