“Hindi ako nagpa-VIP sa COVID-19 test” – Sen. Sotto

Maglalabas ang Department of Health (DOH) ng pahayag ukol sa mga kumakalat na social media posts ukol sa pagsasailalim ni Senate Presidente Vicente Sotto III sa COVID-19 test.

Ito ang sinabi ni Sotto na nilinaw na ang ginamit sa kanyang test kit noong nakaraang Marso 16 ay mula sa isang kaibigan sa pribadong sektor.

Sinabi rin nito na ang test kit ay wala pang accreditation mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Paliwanag pa nito sumailalim lalim sa test para malaman kung magagawa pa niyang gampanan ang kanyang tungkulin at ang resulta ay negatibo siya sa COVID-19.

Ngunit pag amin ng senador na ilang araw na siyang may sore throat at ubo dahil sa exposure sa mga persons under invstigation (PUI) at persons under monitoring (PUM).

Diin nito, hindi niya hiniling na maging priority siya sa testing at sa resulta nito dahil isang linggo na ang nakalipas ay wala pa ang resulta ng kanyang confirmatory test.

Read more...