Ayon kay Sotto ang ikinukunsidera ay P16,000 sa dalawang buwan kada mahirap na pamilya.
Paliwanag nito, ang Department of Finance at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang magtutulong sa pagpapalabas ng pondo sa LGUs para maayos na maipamahagi ang tulong pinansiyal.
Pagtitiyak pa ni Sotto tutukan ng Kongreso ang pamamahagi ng pera para masiguro na makakatanggap ang lahat ng mga nangangailangan.
Nilinaw din nito walang nakapaloob na pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Duterte ang panukala para sa ilalabas na pondo dahil siya mismo ang awtor ng panukalang-batas.