Comelec Commissioner Guanzon kinumpirma na isa siya sa mga PUM sa COVID-19

Kinumpirma Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na siya ay isa ring person under monitoring o PUM at kabilang sa mga high risk

Ito ay dahil may hika aniya siya bukod pa sa hypertensive at mahigit 60 taong gulang na.

Sa ngayon aniya ay bahagya siyang inuubo subalit hindi siya nakikipag-unahan sa pagpapasuri sa RITM taliwas sa ginawa ng ilang pulitiko.

Partikular na inupakan ni Guanzon ang mga pulitiko na nambraso pa sa mga duktor sa RITM para lamang unahin sila sa COVID-19 test sa kabila ng hindi naman sila nasa high risk at wala namang nararanasang sintomas.

Read more...