Sa pagharap sa Committee of the Whole ng Kamara, sinabi ni Medialdea na mahalaga na maaprubahan ng Kongreso ang batas para maresolba ang krisis sa kinakatakutang sakit.
Papadaliin anya ang procurement process sa pagbili ng mga kinakailangang kagamitan.
Mas mapapabilis din aniya ang pagbibigay ng serbisyo sa mga apektado, at mapipigilan din ang pagkalat pa lalo ng nakakabahalang sakit na ito.
Mapapadali din nito ang pagbili sa mga mahahalagang kagamitan na kinakailangan sa ngayon ng mga health workers.
Binibigyan din ng kapangyarihan ng panukalang ito si Pangulong Rodrigo Duterte para i-reallocate ang pondo sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act (GAA) para magamit sa COVID-19 response.