Sa desisyon ng National Labor Relations Commission (NLRC) ipinag-utos nito na ibalik sa kanyang trabaho ang 47-anyos na si Renato Nocos at bayaran ito ng kabuuang suweldo at benepisyo na aabot sa P615,313.06.
Sa naturang desisyon lumitaw na taong 2014, inilipat ni Reyes ang empleyadong si Nocos sa isang branch ng salon na pag-aari nito na magasasara na nang madiskubre nitong positibo sa HIV ang naturang manggagawa.
Dahil dito, nagsampa ng mga reklamong discrimination, unlawful termination, non-payment of lawful wages and benefits si Nocos laban kay reyes at sa business partner nito na si Tonneth Moreno sa NLRC.
Alegasyon pa ni Nocos, ginawa ng dalawa ang paglilipat sa kanya nang kanyang isiwalat na positibo siya sa HIV.
Inakusahan din ni Nocos sina Reyes at Moreno na hindi nagbayad sa SSS at Phihealth ng kanyang premiums simula noong 2003.
Noong July, mariing itinanggi ng Ricky Reyes Corporation na kanilang sinibak si Nocos dahil sa pagiging HIV positive nito.
Giit ng kumpanya, natanggal sa trabaho si Noos dahil hindi na ito muling bumalik sa trabaho nang magsara ang kanyang pinagtatrabahuhang branch.