Davao City Mayor Rodrigo Duterte, itinalagang bagong chairman ng PDP-Laban

Duterte1-1201Itinalaga bilang bagong chairman ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan o PDP-Laban si Presidential aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Pinalitan ni Duterte si dating South Cotabato Gov. Ismael Sueño.

Si Duterte ang nagsilbing standard bearer ng partido matapos na maging substitute ni Martin Diño noong Nobyembre.

Sa isang pahayag, sinabi ni PDP-Laban President Senator Aquilino Pimentel Jr. na mas mapapalakas pa ang kanilang partido sa pamumuno ni Duterte.

Naniniwala si Pimentel na sa pamamagitan ng vision at political will ni Duterte, maipapanalo nila ang magandang kinabukasan ng mamamayan.

Ayon naman kay PDP-Laban spokesperson Paola Alvarez, makakaasa ang taumbayan na ang kanilang partido sa ilalim ni Duterte ay may matapang na solusyon upang tapusin ang araw-araw na gulo at hirap na nararanasan ng tao.

Kahapon, ipinagdiwang ng PDP-Laban ang kanilang ika-34th taong anibersaryo.

Read more...