Buong bansa apektado ng Easterlies

Makararanas ng maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, easteries ang umiiral sa buong bansa.

Dahil dito ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan at thunderstorms.

Posibleng magdulot ng flash floods at landslides ang mga mararanasang biglaan at malakas na buhos ng ulan.

 

Read more...