Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bayan ng Columbio sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Naitala ang pagyanig sa layong 17 kilometers southeast ng Columbio alas 5:33 ng umaga ng Lunes, March 23.
Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng lindol at may lalim itong 10 kilometers.
Naitala ang Intumental Intensity III sa Koronadal City at Intensity I sa Kidapawan City at sa Tupi, South Cotabato.
Samantala, alas 5:48 naman ng umaga nang tumama ang magintude 3.5 na lindol sa bayan pa rin ng Columbio.
May lalim na 24 kilometers ang ikalawang pagyanig at naitalasa 13 kilometers southeast ng Columbio.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig.
READ NEXT
Nasawi sa magdamag sa Italy dahil sa COVID-19 umabot sa 651; USA ikatlo na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso
MOST READ
LATEST STORIES