Nasawi sa magdamag sa Italy dahil sa COVID-19 umabot sa 651; USA ikatlo na sa mga bansa na may pinakamaraming kaso

Nakapagtala ang Italy ng 651 na panibagong nasawi sa COVID-19 sa nakalipas na magdamag.

Dahil dito umakyat na sa 5,476 ang death toll ng Italy sa COVID-19.

Nakapagtala naman ng 5,560 na kaso sa Italy sa magdamag kaya umabot na sa 59,138 ang confirmed COVID cases sa nasabing bansa.

Sa USA, malaking bilang ang naitalang panibagong kaso sa magdamag.

Umabot sa 8,149 ang panibagong kasong naitala sa USA, dahilan para umabot na sa 32,356 ang confirmed COVID cases sa bansa.

Ang USA na ang ikatlong bansa sa mundo na may pinakamaraming kas, kasunod ng China at Italy.

Mayroon namang 414 na death toll ang US.

Read more...