Special session ng Kamara para labanan ang COVID-19 kasado na sa Lunes (March 23)

Nakahanda na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa isasagawang special session sa Lunes, March 23, ganap na 10:00 ng umaga.

Kakaiba ang special session na ito kumpara sa nakasanayan sapagkat 20 miyembro lamang ng Kamara ang papayagan na makapasok sa plenaryo.

Ang iba naman na kongresista ay lalahok sa talakayan sa pamamagitan ng video conference.

Sa abiso sa mga kongresita, tiniyak ng liderato ng Mababang Kapulungan na lahat ng major parties kabilang ang mga partylists, Luzon, Visayas, Mindanao, at Minority Block are kakatawanin sa sesyon.

Boboto rin ang mga hindi “physically present” sa pamamagitan ng social media o kaya naman ay instant messaging.

Plano ng Kamara na maaprubahan ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-realign ng pondo sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act.

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, mahigit P200 bilyon ang kailangang i-realign upang matiyak na mayroong pagkukunan ng pambili ng pagkain at gamot sa susunod na dalawang buwan dahil sa COVID-19.

Sabi ng pinuno ng Kamara, kukunin ang nasabing halaga sa non-budgetary sources.

Ayon naman kay House Majority Leader Martin Romualdez, ang special session ay gagawin upang ma-mobilize ang mga government resources na kakailanganin ng Executive Department upang hindi na kumalat pa ang Coronavirus Disease.

Sabi ni Romualdez, “Congress will be granting President Rodrigo Duterte the authority to specifically realign government funds for food, allowances to help the affected families, boost the medical requirements of the people and protection of those who are in the frontline especially our doctors, nurses and all medical personnel.”

Iginiit naman ni Deputy Speaker for Finance Luis Raymund Villafuerte na ang kanilang gagawing special session ay tatalima sa health and safety protocols na pinapairal ngayong ipinapatupad ang enhanced vommunity quarantine at national public health emergency.

“We all have to adjust including congress on how best we can function but keeping in mind protocols set by the Inter-Agency Task Force (IATF). If we do the normal session. We will not be able to fit in the plenary as per social distancing guidelines,” saad ni Villafuerte.

Araw ng Linggo, nagkaroon na ng trial ang mga kongresista sa application na kanilang gagamitin sa virtual session.

Read more...