Sec. Duque, negatibo sa COVID-19

Nagnegatibo si Health Secretary Francisco Duque III sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa isang panayam, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na lumabas ang resulta ng pagsusuri kay Duque, Sabado ng gabi (March 21).

Maayos naman aniya ang kondisyon ng kalihim.

Matatandaang sumailalim sa self-quarantine si Duque noong Miyerkules, March 18, makaraang makasalamuha ang isang opisyal ng DOH na nag-positibo sa COVID-19.

Read more...