Ayon sa pamahalaang lokal ng San Juan, naitala ang nasabing bilang hanggang 10:00, Linggo ng umaga (March 22).
Batay sa datos, naitala ang pinakamataas na kaso sa Barangay Greenhills at West Crame dahilan para ikonsidera ang dalawang barangay bilang ‘hotspots.’
Narito ang mga naitalang kaso sa mga sumusunod na barangay:
– Addition Hills – 1
– Balong-Bato – 1
– Batis – 0
– Corazon de Jesus – 2
– Ermitaño – 0
– Greenhills – 14
– Isabelita – 0
– Kabayanan – 1
– Little Baguio – 2
– Maytunas – 2
– Onse – 0
– Pasadena – 1
– Pedro Cruz – 0
– Progreso – 0
– Rivera – 1
– Salapan – 1
– San Perfecto – 1
– St. Joseph – 1
– Sta. Lucia – 2
– Tibagan – 0
– West Crame – 11
Samantala, nasa 85 naman ang persons under investigation (PUIs) at 145 ang persons under monitoring (PUMs) sa lungsod.
Sinabi pa ng San Juan City government na siyam ang nakasailalim sa home quarantine, 21 ang naka-confine sa iba’t ibang ospital habang pito naman ang na-discharge na.
Patuloy naman anilang tinututukan ang mga kaso ng virus sa lungsod.