Biglang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, artificial lang – DOH

Photo grab from DOH Facebook video

Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na artificial lamang ang biglang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa bansa.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag kasunod ng pag-akyat ngayon ng bilang ng nagpositibo sa virus sa 380.

Paliwanag ni Vergeire, dahil mas maraming laboratoryo na ngayon ang nakakatulong sa Research Institute and Tropical Medicine (RITM) sa COVID-19 testing, mas mabilis na ngayon ang paglalabas ng resulta.

Matatandaang una nang inamin ng DOH na nagkaroon sila ng backlog sa paglalabas ng COVID-19 test results dahil sa limitadong kapasidad.

Pero ngayong operational na aniya ang kanilang mga subnational at extension laboratories ay asahan ang mabilis na paglabas ng resulta ng mga pagsusuri sa mga pinaghihinalaang may COVID-19.

Read more...