Singapore, magdo-donate ng 3,000 COVID-19 test kits sa Pilipinas

Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na magdo-donate ang Singapore ng 3,000 COVID-19 test kits sa Pilipinas.

Sa Twitter, sinabi ng kalihim na maliban dito ay magbibigay din ang Singapore ng isang PCR machine sa bansa.

Nagpasalamat naman si Locsin sa ibinahaging tulong ng gobyerno ng Singapore para sa paglaban ng Pilipinas sa nakakahawang sakit.

“Memoing the President about this right now. I’m a bit tired,” ayon pa kay Locsin.

Matatandaang nag-donate na rin ang China at South Korea ng test kits sa Pilipinas.

Read more...