24-hour curfew, ipatutupad na sa Muntinlupa City

Dahil hindi umumbra ang magdamag na curfew, nagpasa ng bagong ordinansa ang sangguning panglungsod para sa pagpapatupad ng 24 oras na curfew sa Muntinlupa City.

Ang Ordinance No. 2020 – 074 ay tinawag na 24 Hour COVID Curfew Ordinance.

Sa ordinansa wala ng residente ang makakalabas ng kanilang bahay maliban sa mga exempted.

Nakasaad na ang mga lalabag sa unang pagkakataon ay ipapa-blotter sa barangay at kakanselahin ang kanilang mga benepisyo.

Sa ikalawang paglabag ay muli lang din ipapa-blotter ang lumabag ngunit hindi na siya makakatanggap ng relief packs mula sa pamahalaang-lungsod hanggang sa pagtatapos ng quarantine period.

Samantala, maaring lumabas ang mga ‘frontliner,’ ang mga nagbibigay ng pangunahing serbisyo, ang mga bibili ng mga pangunahing pangangailangan, peace and order personnel at kapag may emergency cases.

Mayorya ng mga miyembro ng sanggunian ay sumang-ayon sa ordinansa at ngayon araw ay pinirmahan na ni Mayor Jaime Fresnedi.

Read more...