Ethiopian Airlines, kinansela ang mga biyahe mula at patungong Pilipinas

Kinansela ng Ethiopian Airlines ang kanilang mga biyahe mula at patungong Pilipinas.

Sa abiso, sinabi ng airline company na kanselado na ang flight ET644 mula Addis Ababa – Manila at flight ET645 na biyaheng Manila – Addis Ababa.

Epektibo ang kanselasyon ng mga biyahe mula March 21 hanggang April 30, 2020.

Inabisuhan naman ang mga pasahero na bumili ng ticket sa pamamagitan ng kanilang website, mobile app o opisina sa Pilipinas na makipag-ugnayan sa airline company sa mnlapt@etiopiaairlines.com, rsvntktgmkt@paneuroph.com at etsales@paneuroph.com

“Likewise, passengers affected who purchased through an agent may contact them directly,” dagdag ng Ethiopian Airlines.

Read more...