2 mangingisda sa Muntinlupa, inaresto ng PCG matapos pumalaot nang walang dalang ID

Inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) Task Force Laban COVID-19 ang dalawang mangingisda makaraang pumalaot nang walang dalang identification card o ID, Sabado ng madaling araw, March 21.

Ayon sa PCG, sa kasagsagan kasi ng enhanced community quarantine, ipinagbabawal muna ang pangingisda ng mga hindi residente sa katubigan ng Barangay Sucat.

Bahagi ito ng ipinatupad na precautionary measure para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Naabutang nangingisda sina Gregorio Magalona, 36-anyos, at Dexter Mondido, 24-anyos sa bahagi ng Barangay Sucat.

Napag-alaman ng PCG na ang dalawang mangingisda ay hindi residente ng Barangay Sucat.

Dinala ang mga mangingisda na residente ng Barangay Cupang sa pinakamalapit na police station para sa karampatang aksyon.

Read more...