Ilang test kits at iba pang medical supplies mula China, dumating na sa Pilipinas

Dumating na sa Pilipinas ang ilang COVID-19 test kits at iba pang medical supplies mula sa China.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dumating sa bansa ang medical supplies, Sabado ng madaling-araw (March 21).

Sa ibinahaging larawan ng kagawaran, makikitang tinanggap ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. mula kay Chinese Ambassador Huang Xi Lian ang donasyon ng Chinese government.

Kabilang sa mga ipinadala ng China sa Pilipinas ay ang fast-test kits, surgical masks, N95 masks at personal protective equipment (PPE).

Read more...