Isa pang kawani ng Kamara ang nasawi sa COVID-19, Sabado ng umaga.
Ayon kay House Secretary-General Jose Luis Montales, nasawi ang 65-anyos na chief of staff ng isang congresswoman sa isolation room ng isang ospital sa Quezon City.
Mayroon na aniyang pre-existing medical condition ang nasawi.
Sinabi ni Montales na huling pumasok sa trabaho ang kawani noong March 4 at dumalo pa sa isang garden wedding sa Cavite noong March 7, 2020.
Ang nasabing congressional staff ang ikalawa sa nasawing kawani ng Kamara sa COVID-19 kung saan ang nauna ay nakatalaga sa Printing Services.
May isa pang empleyado ng Printing Services ang nagpositibo rin sa COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES