Professor sa UP Diliman, pumanaw dahil sa COVID-19

Pumanaw ang isang professor sa University of the Philippines Diliman bunsod ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa Twitter, sinabi ng pamunuan ng unibersidad na pumanaw si Dr. Aileen S.P. Baviera sa San Lazaro Hospital bandang 3:55, Sabado ng madaling-araw (March 21).

Severe pneumonia ang sanhi ng pagpanaw ni Baviera dulot ng COVID-19.

Si Baviera ay dating Dean ng UP Asian Center

Nagpaabot naman ng panalangin at pakikiramay ang UP Diliman sa pamilya nito.

Read more...