2 pang Pinoy nagpositibo sa COVID-19 sa Singapore

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA), na dalawa pang Pinoy sa Singapore ang nagpositibo sa COVID-19.

Base ito sa impormasyon mula sa Philippine Embassy in Singapore.

Kapwa naka-confine sa pagamutan ang dalawa.

Dahil dito umakyat na sa 13 ang bilang ng mga Pinoy sa Singapore na apektado ng sakit.

Sa 13 Pinoy na nagpositibo sa COVID-19, dalawa ang gumaling na at nakalabas na ng pagamutan.

Read more...