20,000 COVID test kits mula sa OPAV dumating na sa Cebu

Mayroon nang 20,000 COVID-19 test kits na dumating sa Cebu City.

Kinumpirma ito ni Cebu City Mayor Edgado Labella matapos ipangako ni Office of the Presidential Assistant to the Visayas (OPAV) na magbibigay ito ng 30,000 test kits na ipagagamit sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Sa ngayon, 20,000 na sa nasabing test kits ang nasa Cebu na.

Ayon kay Dino ang nasabing mga test kits ay binili sa ibang bansa.

Mamamahagi din ang OPAV ng 20,000 pang test kits sa iba pang bahagi ng Visayas Region.

Read more...