Maynilad nagsuspinde na rin ng meter reading; bayarin ng customer ibabase muna sa bill sa nagdaang 3 buwan
Gaya ng Meralco nagpaabiso na ang Maynilad na hindi na muna sila magsasagawa ng meter reading hanggang sa matapos ang quarantine period sa April 14, 2020.
Sa abiso ng Maynilad, ie-estimate na lang ang average water consumption ng costumer sa nakalipas na tatlong buwan.
Salig ito sa guidelines ng MWSS Regulatory Office.
Kung may sobra o kulang sa bayarin ay magsasagawa na lamang ng adjustment kapag maari nang makpagsagawa ng actual meter reading.
Pinayuhan din ng Maynilad ang mga customer nito na bayaran ang kanilang bills via online o mobile fund transfer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.