CJ Peralta negatibo sa COVID test

Negatibo ang resulta ng COVID-19 test ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta.

Bumiyahe si Peralta kamakailan sa Netherlands at pag-uwi sa Pilipinas ay nakaranas ito ng sintomas.

Nagtungo sa The Hague, Netherlands si Peralta kasama ang iba pang delegasyon ng bansa noong March 1 hanggang 7 para sa isang official business trip.

Dumalo si Peralta sa The Hague Conference on Private International Law (HCCH) General Affairs and Policy Meeting.

Agad nag-self quarantine si Peralta nang makaranas siya ng ubo.

Agad din siyang pinayuhan ng kaniyang duktor na magpatest sa COVID-19.

Read more...