Pag-iral ng amihan tapos na ayon sa PAGASA; dry season sa bansa nagsimula na

Ganap nang natapos ang pag-iral ng northeast monsoon o amihan sa bansa.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas ngayong Biyernes (March 20) ng hapon, terminated na ang amihan at hudyat na ito ng pagsisimula ng dry season.

Sa mga susunod na linggo ay mas malakas na ang pag-iral ng easterlies o ang mainit na hangin mula sa Dagat Pasipiko.

Maghahatid ito ng mainit at maalinsangang panahon.

“Sa pagtatapos ng Amihan, ang Easterlies mula sa Pasipiko ang iiral sa bansa sa mga susunod na linggo. Magdudulot ito ng mainit at maalinsangang panahon na maaaring samahan ng isolated thunderstorms sa hapon o gabi,” ayon sa PAGASA.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat sa ‘heat stress’ at maging matalino sa paggamit ng tubig para maiwasan ang kakapusan ng suplay nitlo.

Read more...