NBI, mag-iimbestiga na rin sa pagkalat ng fake news patungkol sa COVID-19

Sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine at pagkalat ng mga fake news patungkol sa COVID-19 na nagdudulot ng lalong pag-aalala ng mamamayan.

Magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang NBI para tuntunin kung sino ang mga nasa likod ng pagkalat ng mga pekeng balita sa social media.

Inatasan na ni NBI Director Eric Distor ang kanilang Cyber Crime Division, Digital Forensic Division at iba pang units na magtulong para hanapin ang nagpapakalat ng fake news.

Ayon kay Distor, nakikipag-ugnayan narin ang kanilang International Operations Division o IOD sa kanilang foreign counterpart.

Una na kasing kumalat sa social media ang umanong statement mula sa US State Department na nagbababala ng looting o malawakang pagnanakaw sa panahon na ipinatutupad pa ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon sa NBI, walang basehan ang mga ito at pawang mga pekeng balita.

SInabi pa ni NBI Director Distor, naglabas narin naman ng paglilinaw ang US na ang lahat ng impormasyon at advisory nito ay idadaan lamang sa mga official media platforms at official websites.

Read more...