Pangulong Duterte papayuhang magpasuri muli sa COVID-19

Kakailanganin na mag-self quarantine ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling magpositibo sa COVID-19 si Health Sec. Francisco Duque III.

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, papayuhan din nilang magpa-COVID test muli ang pangulo.

“Kung si Presidente po ay kailangan nating itest, tandaan po natin pag gumagawa po tayo ng contact tracing, meron po tayong initial contacts or the direct contacts of the case. Meron po tayong second layer contact, third layer contacts and so on and so forth,” ayon kay Vergeire said in a press briefing.

Ani Vergeire kapag lumabas ang resulta ng test ni Duque at kung magpopositibo ito ay papayuhan ang pangulo na magpasuri muli sa COVID-19 at mag-quarantine.

Nakasailalim sa self-quarantine si Duque matapos ma ma-expose sa isang opisyal ng DOH na nagpositibo sa sakit.

 

 

 

 

Read more...