Prinsipe sa Monaco nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Prince Albert II ng Monaco.

Kinumpirma ito sa pahayag na inilabas ng Principality of Monaco.

Nakasaad sa pahayag na si Prince Albert II ay naka home quarantine sa kaniyang pribadong apartment at patuloy na nakapagtatrabaho.

Noong nakaraang tatlong araw, inanunsyo din ni Monaco Prime Minister Serge Telle na siya ay tinamanaan ng COVID-19.

Isasara na ang lahat ng public spaces sa Monaco simula hatinggabi ng Sabado para maiwasan ang paglaganap pa ng sakit.

 

 

 

 

Read more...