28 pari nasawi sa Italy dahil sa COVID-19

Kabilang ang 28 mga pari sa libu-libong nasawi sa Italy dahil sa COVID-19.

Ayon sa ulat ng Italian newspaper na ‘Avvenire’ na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Italian bishops conference karamihan sa mga nasawing pari ay edad 70 hanggang 80.

Pinakabatang pumanaw sa COVID-19 ang 54 anyos na si Fr. Andrea Avanzini ng Diocese of Parma.

11 sa 28 na nasawing pari ay mula sa Diocese of Bergamo kung saan mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-10.

Maliban sa 28 na nasawi sa COVID-19 mayroon pang dalawang pari na nasawi sa Italy dahil sa ibang sakit.

Isa ang pumanaw dahil sa pneumonia at isa pa ang pumanaw dahil sa ibang medical condition.

Read more...