Ayon sa Philippine Embassy in Kuwait, isang Pinay domestic worker ang unang Filipino na nakumpirmang tinamaan ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Ang pasyente ay nagkaroon ng close contact sa isang indibidwal na bumiyahe sa United Kingdom.
Sa ngayon stable umano ang kondisyon ng Pinay at binabantayan ng embahada at ng POLO-OWWA ang kaniyang sitwasyon.
Kasabay nito, nanawagan ang embahada sa lahat ng Filipino sa Kuwait na manatili lamang sa mga tahanan at sundin ang utos ng Kuwait authorities.
READ NEXT
P150M na budget ng Coca-Cola para sa ads ipangtutulong na lang sa front liners at mahihirap na pamilya na apektado ng COVID-19
MOST READ
LATEST STORIES