P150M na budget ng Coca-Cola para sa ads ipangtutulong na lang sa front liners at mahihirap na pamilya na apektado ng COVID-19

Sa halip na gamitin sa advertisements ay ipangtutulong na lang ng kumpanyang Coca-Cola ang kanilang advertising budget sa mga front liner at pamilyang pinaka-apektado ng COVID-19.

sa pahayag ni Coca-Cola President at General Manager Winn Everhart, nagpasya silang i-hold na lang muna ang lahat ng kanilang advertisement.

Ang P150 million na budget para dito ay gagamitin na lang para ipangtulong sa front liners at sa mga pamilyang labis na apektado ng umiiral na lockdown.

Ayon sa Coca-Cola gagamitin ang P150 million advertising budget sa sumusunod:

– araw-araw na pagbibigay ng hydration needs para sa health workers at front liners at pag-deliver ng beverages sa public at private hospitals
– pagbibigay ng personal protective equipment sa health workers sa pakikipagtulungan sa TOWNS Foundation at UP Medical Foundation
– pag-deliver ng food packs sa most vulnerable families at communities sa pakikipag-ugnayan sa Caritas Manila at Against Hunger
– pagsuporta sa distribution partners nito na nagmamay-ari ng maliliit na sari-sari stores at carinderias

Sinabi ng kumpanya na ito ay challenging para sa lahat at gagawin nila ang makakaya upang makatulong.

Read more...