Ayon kay Gonzalez, maraming mga seafarers ang sinuspinde ang mga kontrata ngayon resulta na rin ng mga pina-iiral na travel restrictions sa maraming bansa at ang ipinapatupad na enhanced community quarantine sa Luzon.
Dapat anyang magkaroon din livelihood assistance sa mga seafarers dahil matagal na matitigil ang kanilang trabaho at kinakailangan nilang pakainin at punan ang pangangailangan ng pamilya sa araw-araw.
Tulad aniya ng marami, hindi exempted sa epekto ng virus ang mga Filipino seafarers lalo na sa hanay ng mga mawawalan at mapupurnada ang trabaho.
Nangako naman ang mambabatas na sisikapin nila na matugunan ang pangangailangan ng mga seafarers at mga pamilya nito.