Ayon sa mga ito, malaking tulong ang media para maipaabot ang mga positibong balita sa kabila ng kinakaharap na krisis upang mabigyang inspirasyon ang publiko na magkaisa at makipagtulungan sa pamahalaan para labanan ang coronavirus.
Mahalaga anila na matutukan din ang mga positive developments tulad ng paggaling ng maraming pasyente sa virus.
Ang patas na pagre-report ayon kay Romualdez tungkol sa magandang balita kahit pa patuloy na nakikipaglaban ngayon ang bansa sa COVID-19 ay makakapagbigay ng malaking pagbabago para sa kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa sakit.
Sinabi naman ni Barzaga na ang pagbibigay diin sa mga positibong pagbabago sa gitna ng problema sa COVID-19 ay magtataas sa pagasa ng publiko na matatapos din ang krisis.
Samantala, umapela naman si Romualdez na isantabi muna ang pulitika at magkaisa sa pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat pamilya habang hinahanapan ng paraan na mapigilan na ang pagkalat ng virus.