Pilipinas, nakiisa sa pag-kundina sa paglulunsad ng NoKor ng long range missile

 

Photo source: AP
Photo source: AP

Nakiisa ang gobyerno ng Pilipinas sa pagkundina ng buong mundo sa paglunsad ng North Korea ng long range missile.

Sa statement na inilabas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs o DFA, sinabi ng Philippine government na labag sa United Nations Security Council resolutions ang hakbang ng North Korea.

Ayon sa pamahalaan, kasama ang Pilipinas sa mga nananawagan sa Pyongyang na abandonahin na ang nuclear at ballistic missile technology programs nito sa ‘complete, verifiable, irreversible manner.’

Tiniyak naman ng gobyerno na handa ang Pilipinas na makipagtulungan sa international partners upang masiguro ang peace and stability sa rehiyon at sa iba pang panig ng mundo.

Batay sa mga ulat, ni-launch ng North Korea ang long range rocket na mayroong satellite, na defiance o paglabag sa UN sanctions na naghaharang sa bansa na gumamit ng ballistic missile technology.

 

Read more...