Sa impormasyon mula kay Julius Leonen, hepe ng Manila PIO, nakatanggap sila ng 25, 200 surgical masks mula sa Philippine Red Cross at ang Grab Phils ay nagpahiram sa kanila ng 12 electric scooters na maaring magamit ng ‘frontliners.’
Nagbigay naman ang Rebisco ng mga biscuit para sa anim na city-operated hospitals, sa Manila Police District at para sa mga naka duty na empleado sa city hall.
Bukod diyan ang Diamond Hotel ay nagbigay ng mga pagkain sa mga naka-duty sa Ospital ng Maynila, Manila Department of Social Welfare at sa mga pulis-Maynila, samantalang 70 food packs naman ang naiambag ng Manila Hotel.
Nagdala naman ng buko juice ang Fruitas sa mga ospital at MPD.
Nag-alok din ang Sogo Hotel ng 421 kuwarto para sa mga medical personnel sa pamahalaang-lungsod, 50 kuwarto ang sa Eurotel at 60 rooms sa Town and Country Hotel.