Ayon sa Department of Energy (DOE) ito ay maaring maging sukatan kung gaano kalawak ang naging epekto ng enhanced community lockdown sa mga negosyo.
Sinabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi na naaantala na rin ang ilang mga proyekto sa sektor ng enerhiya, dahil may mga foreign contractors at maging mga manggagawa ang hindi nakakabiyahe.
Dagdag pa ni Cusi ang mga isyu ukol sa pag-deliver ng mga imported equipment para sa mga energy facility dahil na rin sa mabagal na produksyon sa ibang bansa.
Ngunit paglilinaw ng kalihim, magkaroon man ng epekto ang mga isyu na ito sa sektor ng enerhiya sa bansa, ang dapat pa rin pagtuunan ng pansin ay kung paano matutuldukan ang krisis dulot ng COVID-19.