“In this time of crisis, if you cannot help, just quarantine your mouth!” ani Go.
Paliwanag ng senador ang anuman maling impormasyon na ipapakalat ay makakadagdag pa sa nararanasang paghihirap at pangamba ng mamamayan.
Pinuna ni Go na may mga nagpapakalat ng maling impormasyon para pagmukhain na walang ginagawa ang gobyerno at nagiging mitsa para mag-panic ang tao.
“Gamitin n’yo ang oras ninyo para tumulong at magmalasakit. Huwag niyo sayangin sa pagkalat ng kasinungalingan o sa panloloko ng mga tao. Marami pong naghihirap ngayon. Marami ring pagod sa paghahanap ng solusyon sa krisis. Huwag kayo gumawa ng problema at dumagdag sa pasakit ng bayan,” pakiusap pa ni Go.
Bilin din nito, huwag unahin ang pag-post sa social media ng mga tanong hinggil sa pagkilos at pagbibigay ayuda ng gobyerno kundi direktang tumawag sa mga itinalagang hotlines.