Sa pahayag mula sa kanyang selda sa Camp Crame, sinabi ni de Lima na tatlong taon na siyang naka-involuntary quarantine at dahil sa Panginoon aniya ay nanatili siyang malusog.
Sinabi nito na ang testing kit na gagamitin sa kanya ay ipagamit na lang sa isang symptomatic person under investigation o PUI.
Makakabuti aniya kung mass testing ang ikakasa ngunit batid niya na hindi maisasagawa dahil sa labis na kakulangan ng testing kit.
Dapat aniya ang mga testing kit ay pinag-iisipan ang paggamit at hindi maari na lahat ng mga matataas na opisyal ay magpa-test kahit walang exposure o sintomas ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES