Huwag lagyan ng face mask ang mga hayop, magdudulot ito ng hirap sa kanilang paghinga.
Isa lang ito sa mga payo ng People for the Ethical Treatment of Animals o PETA kasabay nang pagsusumikap ng gobyerno na hindi na lumaganap pa ang COVID-19.
Una nang inihayag ng World Health Organization (WHO) na walang panganib na magkaroon ng COVID-19 ang mga aso at pusa ngunit kailangan na tiyakin na ligtas pa rin sila at ang kanilang mga tagapag-alaga.
Ayon pa sa PETA, ang tao na maaring may taglay ng nakakamatay na virus ay hindi dapat pahawakan ng mga alagang hayop dahil ang COVID-19 ay maaring kumapit sa balahibo.
Ibinigay din ng PETA ang kanilang hotline na 0999-8887382 na maaring tawagan ng mga naka-quarantine para mapaalagaan ang kanilang mga hayop, maging kung mangangailangan ng beterinaryo ang kanilang mga alaga.