Ayon kay Sotto, naiisip niya ang pagpasa ng food subsidy budget para sa pagbibigay tulong sa mga daily wage earner na nawalan ng pinagkakakitaan.
Paglilinaw nito na ang kanilang ipapasa ay hiwalay pa sa P3.1 bilyong supplemental budget na inihihirit ng Department of Health (DOH).
Aniya, ang isusulong niya ay P300 kada araw na food subsidy sa lahat ng tatlong milyong mahihirap na pamilya sa Metro Manila at aabutin ito ng P27 bilyon.
Ayon kay Sotto, kapag naaprubahan ang kanyang panukala, tiyak na may 15 milyong residente ng Metro Manila ang hindi magugutom kung ipagpapalagay na may limang miyembro ang bawat pamilya.