Magnitude 4.6 na lindol, yumanig sa Zambales

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang San Felipe, Zambales Huwebes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 30 kilometers Southwest ng San Felipe dakomg 2:49 ng hapon.

25 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang instrumental intensity 2 sa Olongapo City at intensity 1 naman sa Guagua, Pampanga.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang nasirang ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...