Iginiit ni ni Senior Citizen partylist Rep. Francisco Datol na dapat magpatupad ng care packages at isolation protocols sa mga senior citizen lalo na sa mahihirap para hindi sila magkasakit.
Ayon kay Datol, mas kritikal ang isolation ng senior citizens na naipit sa COVID-19 hot zones at warm zones.
Suportado ni Datol ang hakbang na ilagay ang persons under investigation (PUIs) at persons under monitoring (PUMs) sa contained na mga lugar gaya ng hotels na malapit sa Level 2 at Level 3 hospitals.
Makatutulong aniya ito na mabawasan ang banta ng sakit sa pamilya at mga kapitbahay.
Umaasa ang kongresista na makikiisa rito ang mga may-ari ng hotels bilang parte ng kanilang corporate social responsibility.
Muli naman itong nagpaalala sa mga kapwa-nakatatanda na manatili lamang sa loob ng bahay, mag-self quarantine, uminom ng maraming tubig at panatilihin ang kalinisan sa katawan bilang pag-iingat na mahawa ng Coronavirus Disease lalo na iyong merong pre-existing medical conditions.