Medical supplies store sa Maynila, sinalakay ng DTI at CIDG dahil sa overpricing

Sinalakay ng mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng CIDG ang isang tindahan ng medical supplies sa Maynila dahil sa reklamo ng mga customer nito na overpricing.

Sa pagbili ng asset ng CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit, nadiskubre na sobrang mahal ng benta ng alcohol ng inirereklamong tindahan.

Ang 60ml na bote ng alcohol na dapat sanay ay P17 lamang hanggang P25 ngunit ibinebenta dito ng P80.

Kahon-kahong mga alcohol ang inabutan ng raiding team sa inirereklamong tindahan.

Sa harapan ng tindahan, may mga karatula na at abiso sa customer na nagsasabing walang available na supply ng alcohol subalit nadiskubre ng raiding team na marmi palang nakaimbak na supply ng alcohol at itinatago lamang sa kanilang mga customer.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang reklamo laban sa may-ari ng naturang medical supply store.

Read more...