Pinoy nasawi sa Los Angeles dahil sa COVID-19

Pinoy ang unang COVID-19 death sa Los Angeles County.

Sa ulat ng Los Angeles Times, na inilabas noong March 17 isang 68 anyos na Pinoy na pinangalanan lamang na “Loretta” ang unang nasawi sa lugar dahil sa sakit na COVID-19.

Nakatira ang pasyente sa Orlando, Florida.

Ang kaniyang asawa ay galing sa Walnut, California at binisita ang mga kaanak doon noong March 8.

Noong March 10 pa pumanaw ang Pinay at March 11 nang ipaalam sa kaniyang pamilya na siya ay positibo sa COVID-19.

May history din ng pagbiyahe sa Pilipinas ang mag-asawa noong February 4.

Read more...