Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergerie nagsimulang mag self-quarantine ang health chief kahapon, March 18.
Bagaman walang nararamdamang anumang sintomas ay nagpasuri na rin ito sa COVID-19.
Si Duque aniya ay may ashtma at hypertensive kaya nagpa COVID-19 test na rin ito.
Inaasahang lalabas ang resulta ng test kay Duque sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw.
Nabatid na tatlong beses na nagkaroon ng exposure si Duque sa isang mataas na opisyal ng DOH na nagpositibo sa COVID-19.
Patuloy pa rin naman ang pagtatrabaho ng kalihim sa pamamagitan ng work from home arrangement.
“Yes Sec Duque is on home quarantine,but currently asymptomatic. He has already been tested for COVID 19 test as he is Asthmatic and Hypertensive. He is now doing work from home,” ayon kay Vergerie.