Katuwiran nito, mas delikado sa COVID-19 ang mga nakakatanda kaya’t dapat sila ang unang mabigyan ng nararapat na tulong at proteksyon.
Dagdag pa ni Go dapat din maging prayoridad sa pagbibigay tulong ang mga may pre-existing medical conditions, ang mga may diabetes, hypertension, sakit sa baga, sakit sa puso at kanser.
Sinabi din nito na unahin na rin ang mga solo parent, indigent indigenous peole, public transport drivers at ang mga pinagkakakitaan ay pansamantalang nahinto o nagsara.
Diin ng senador, kung kinakailangan ay magtulong ang DSWD at LGUs para sa ‘door to door delivery’ ng mga tulong sa nabanggit na mga prayoridad sa pagbubigay ayuda.