‘E-Reseta’ magagamit sa pagbili ng gamot – FDA

Inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) na maaring makabili ng mga prescription drugs sa mga botika gamit ang ‘Electronic reseta o E-reseta.’

Sinabi ni Dir. Gen. Eric Domingo batid nila na umiiral ngayon ang public health emergency sa bansa at may mga nahihirapan na makabili ng mga gamot na kailangan ng reseta, lalo na ang mga may sakit na mas madaling dapuan ng COVID-19.

Paliwanag ni Domingo maaring pa-picturan na lang sa doktor ang reseta gamit ang kanyang cellphone at ipadala ito sa pasyente na ipapakita naman sa botika sa kanyang pagbili ng kinakailangan gamot.

Inilabas na ng FDA ang Circular No. 2020 – 007 na may titulong, “Guidelines in the Implementation of the Use of Electronic Means of Prescription Drugs for the Benefit of Individuals Vulnerable to COVID-19.”

Ayon kay Domingo ang picture ng reseta na ipinadala sa email, Viber o FB messenger ay dapat kilalanin ng botika na katulad ng aktwal na reseta.

Magagamit ang e-reseta hanggang sa ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa Luzon.

 

 

Read more...