P10B budget ng DSWD magagamit sa COVID-19 assistance

Inquirer file photo
May halos P10 bilyon ang Department of Public Works and Highways (DSWD) na maaring magamit sa pagbibigay ayuda sa mga apektado ng mga hakbangin ng gobyerno kontra COVID-19.

Sinabi ni Sen. Sonny Angara, sa 2020 budget ng DSWD, P1.25 bilyon ang quick response fund (QRF) ng kagawaran at P8.7 bilyon naman ang inilaan para sa protective services program (PSP).

Paliwanag ng senador ang QRF ay standby fund para sa relief and recovery programs sa tuwing may kalamidad at epidemiya, bukod pa sa mga ‘complex emergency situations.

Nabanggit din nito na may hindi nagamit na P915 milyon sa 2019 QRF ng DSWD na maaring magamit sa sitwasyon ngayon.

Samantala, ang PSP ay para sa cash assistance para sa mga pangangailangang medikal, pagpapalibing, edukasyon, food assistance, cash for work, food packs at tulong sa mga senior citizens na walang social pension.

Sa ngayon, ayon kay Angara, ang PSP ay maaring magamit pambili ng alcohol, sabon at masks.

Kasabay nito, nanawagan ang senador sa Budget Department na bilisan ang pagpapalabas ng pondo sa DSWD, LGUs at iba pang ahensiya na kumikilos ngayon para labanan ang COVID-19.

Read more...